Babaeng Sumakay sa Taxi, Limang Piso Lang ang Binayad

 

Ang mga taxi driver ang ating takbuhan kung tayo ay wala ng masakyang bus o kaya naman ay jeep, lalo na kung late na tayo sa ating trabaho o sa klase, at marami pang iba.

Madalas na naririnig nating kwento ay mga taxi driver na nang-iiscam ng mga pasahero pero sa maniwala kayo’t sa hindi, may mga taxi driver ding nabibiktima katulad na lamang ng isang insidente na nagviral sa social media.

Isang video clip ang nagviral kamakailan lamang matapos nitong ipakita ang isang babae na sumakay sa isang taxi na nagbayad ng limang piso sa taxi driver. Makikita sa video na malayo ang tinakbo ng metro sapagkat may kalayuan ang kanilang binyahe para makapunta sa sinabing pupuntahan ng babae.


Photo credit: Friendy Tenoria / Facebook

Makikita sa video clip ang paghingi ng pasensya ng babae habang ang taxi driver naman ay hinayaan na lamang ang babae at pinalabas na sa kaniyang taxi kahit na ito ay inis na inis na dahil sa sobrang layo nga naman ng kanilang binyahe, limang piso lamang ang ibinigay nito.


Photo credit: Friendy Tenoria / Facebook

Sa kabilang banda, marami sa ating mga netizens ang nagalit din sa babae. Ang ilan sa kanila ay sinabi na sana hindi na lamang sumakay ang babae kung wala itong pangbayad at ang iba naman ay sinasabi na dapat ibinaba na ito sa police station.

Ngunit, mayroon ding ibang netizen ang nagsasabi na pagpasensyahan na lamang ang babae dahil ito ay mukhang naloko habang ang iba ay sinasabi na nakakasiguro sila na mas malaki pang blessing ang dadating sa taxi driver

.

Comments

Related Articles

Back to top button