Kambal na Sanggol, Dinurog na Saging ang Tanging Ipinapakain ng kanilang Ina Pamalit sa Gatas

Importante ang papel na ginagampanan ng mga magulang para sa kanilang mga anak at sa buong pamilya dahil mayroon itong kaakibat na responsibilidad. Sila ang humuhubog sa kanilang mga anak at ibinibigay ang kanilang mga pangunahing mga pangangailangan. Ngunit nakakalungkot na hindi lahat ng pamilya ay nakakayanang ibigay ang mga ito dahil sa kahirapan ng buhay. Katulad na almang ng mag-iina sa Rodriguez, Rizal na dumurog sa puso ng marami matapos matunghayan ang kanilang kalagayan


 

Ang kalagayan ng mag-iina ay ibinahagi ni Joy Ruth Mallari Cortes kasabay ng paghingi ng tulong para sa mga ito. Ayon kay Joy, dinurog na saging lang umano ang ipinapakain sa kambal na sanggol dahil wala raw perang pambili ng gatas ang kanilang ina. Kwento ni Joy, ngayon ay kasalukuyan silang kinukupkop ng isang concerned citizen dahil binaha ang mag-iina at wala silang anumang gamit na naisalba. Matatagpuan ang mag-iina sa 430 Cacho street Balite Rodriguez Rizal Marites.

Narito ang buong post ni Joy sa kanyang FB account, “Sa mga nagbibigay po ng milk dyan bka nmn po pwede bigyan si baby dinurog na saging lng po pinapakain ng nanay dahil wala npong gatas may kumupkop po sa kanila concerned citizen dahil po binaha cla walang naisalba kambal po cla.” Ang mga bata ay bulaklak ng buhay kaya kinakailangan na sila rin ay mabigyan ng tamang nutrisyon at pangagalaga upang sila ay magkaroon ng masiglang buhay. Nawa ay matulungan ang kambal pati na rin ang kanilang ina.

Comments

Related Articles

Back to top button