Matandang Lalaki, Isinauli Ang Wallet Na Napulot Kahit Nangangailangan Ito Ng Pera Dahil Nasa Ospital Ang Asawa

Hindi natin maiiwasan ang tukso sa ating buhay. Mayroong konsensya na babagabag sa iyong damdamin kung tama ba o mali ang bagay na iyong gagawin sa lahat ng pagkakataon.

Ngunit, ang taong may malas4kit at pagmamahal sa kaniyang kapwa, kadugo man niya ito o hindi, mananaig pa din ang pagpapakita niya kabutihan dito.

Sa Facebook, ibinahagi ng netizen na si Clara Borene Magbanua ang kabutihan na kaniyang nasaksihan na ipinakita ng isang matandang lalaki na nagbalik ng pitaka sa may-ari nito.

 

Ayon kay Clara, pumunta siya kasama ang kaniyang pamilya sa kaniyang bayaw nitong nakaraang Linggo lamang para dalawin ito.

Bigla na lamang may tumawag sa kaniya na hindi kilalang number kaya hindi niya ito sinagot. Dahil sa dami ng tawag na kaniyang natatanggap ay napilitan na lamang sagutin ni Clara ang tawag. Doon niya nalaman na si Tatay Rome Punla pala ang nakapulot sa pitaka niya.

Nalaman lamang niya doon na nahulog na pala ang kaniyang pitaka kaya labis ang saya niya ng maibalik ito sa kaniya.

Pagbabahgi ni Clara sa Kicker Daily News,

“Nagtatalon na ako.”

Agad naman siyang hinanap at pinuntahan ni Tatay Rome matapos nilang makapag-usap. Mabuti na lamang at nasa iisang lugar lamang sila kaya madali itong naibalik sa kaniya.

Hindi naman nanghingi ng kahit anong kapalit si tatay kay Clara sa pagbalik niya ng pitaka dito.

“Neng, hindi naman ako nanghihingi ng kapalit. Ok lang sa akin kahit wala kang ibigay.”

 

Sinubukan kasi ni Clara na magbigay dito ng kahit kaunting pera bilang pasasalamat na din sa kaniya dahil kumpleto niyang nakuha ang pitaka at walang kahit anong bagay ang nawala doon.

Kahit pa man mahirap ang buhay ni tatay, hindi siya natukso sa mga ATM Card na nakaharap sa kaniya. Bagkus, mas nanaig pa din ang kaniyang kabutihan at katapatan at ibalik ito sa nagmamay-ari.

Comments

Related Articles

Back to top button