Music video ng bagong kanta ni Skusta Clee, alay sa anak

Screenshot mula sa music video ng “Lagi” ni Skusta Clee

Ibinida ng rapper na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ang kaniyang anak na si Bia at ang kaniyang pagiging ama sa inilabas nitong music video ng bagong awitin na “Lagi.”

Pumalo na sa higit 6 milyong views ang nasabing music video sa YouTube ilang araw matapos ilabas kasabay ng Father’s Day. 

Sabay ding pinanood nina Daryl at ni Zeinab Harake ang premiere ng music video kasama ang kanilang anak, mga kapamilya, at kaibigan. 

Sa vlog na inilabas ni Zeinab para kay Skusta Clee, pormal nang ipinakita at ipinakilala ng dalawa si Bia sa kanilang mga followers kasabay ng Father’s Day. 

Ayon kay Harake, kinausap niya ang mga kaibigan kagaya ni Donnalyn Bartolome bagong ipakita ang kaniyang bagong silang na anak. 

Nauna nang ipinasilip ng sikat na vlogger ang mukha ng anak sa kaniyang Instagram account. 

Kuwento ni Zeinab, isa si Donnalyn sa mga kaibigan niyang unang nakakita kay Bia matapos itong ipanganak. 

“‘Pag nakikita ko si Bia, nawawala ‘yung stress ko. So, finally malalabas na rin ‘yung pagmumukha,” saad ni Bartolome. 

Biro naman ni Zeinab, tila pangalawang nanay na ni Bia si Donnalyn dahil palagi niya itong pinapadalhan ng litrato ng bata. 

“Bago niyo po makita, naumay na po si Donna. Nakikita na po palagi ni Donna si Bia kasi kada picture ko po, kailangan po mai-send ko sa kanya na. Nanay po pangalawa ni Bia ‘to,” tugon ni Harake. 

Kasama rin ng dalawa ang kanilang adopted son na si Lucas. 

RELATED VIDEO

Comments

Related Articles

Back to top button